PINAIGTING NA MONITORING SA MGA PAMILIHAN NGAYONG HOLIDAY SEASON, ISINAGAWA

Mas pinaigting pa ng tanggapan ng Department of Trade and Industry Region 1 ang kanilang monitoring sa mga pamilihan ngayong holiday season.

Sunod-sunod ang mga isinasagawang inspection ng tanggapan sa mga pamilihan upang matiyak na sumusunod ang mga negosyante sa patakaran ng DTI at pagsisiguro sa kalidad ng mga ibinebentang produkto ng mga ito.

Nito lamang, isa-isang sinuri ang mga business establishments sa San Fernando City at ng mga produktong mabenta ngayong holiday season tulad ng Liquified Petroleum Gas (LPG), electronic cigarettes or vapes, Christmas lights, and appliances.

Dapat pasok ang mga ibinibenta ng mga ito sa safety standards, kalidad, at ang presyo nito upang matiyak na nasusunod ang mga regulasyon mula sa DTI.

Ang pagpapaigting na ito ay upang matiyak ang seguridad at maprotektahan ang mga konsyumer laban sa mga nagbebenta ng mga substandard, pekeng mga produkto at ng mga hindi sumusunod sa regulasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments