Ipinagpapatuloy ng Land Transportation Office (LTO) Region 1 ang pinaigting na pagpapatupad ng mga hakbang sa kaligtasan sa kalsada sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ligtas ngayong Undas.
Sa pagpapatuloy ng operasyon, naglatag pa ng karagdagang checkpoints at roadside inspections ang LTO sa mga pangunahing lansangan sa rehiyon upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko at maiwasan ang mga aksidente.
Kasabay nito, nagpapatuloy din ang information at education campaign ng ahensya sa mga terminal at transport hubs upang ipaalala sa mga drayber at pasahero ang kahalagahan ng responsableng pagmamaneho.
Ayon sa LTO, mananatili ang pinaigting na monitoring at law enforcement activities hanggang sa matapos ang Undas upang matiyak ang ligtas na pag-uwi ng mga biyahero sa kani-kanilang probinsya.









