PINAIIMBESTIGAHAN | Labis-labis na pagkaltas sa sweldo ng mga pulis para sa pambayad ng kanilang utang, pinaaaksyunan ng Pangulo

Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labis na pagkaltas ng Philippine National Police Finance Department sa sweldo ng mga Pulis na pambayad sa mga private loan sharks.

Sinabi ni Assistant to the President Secretary Bong Go, nakarating na ang impormasyon kay Pangulong Duterte ang problema ng maraming pulis dahil sa iligal na pagkaltas sa sweldo ng mga ito na ipinadadaan sa Finance Department ng PNP.

Partikular na inatasan aniya ni Pangulong Duterte si Interior Secretary Eduardo Ano at PNP Chief Director General Oscar Albayalde na imbestigahan ang issue at agad na gawan ito ng aksyon.


Sinabi ni Go na gusto ng Pangulo ay hindi idaan sa PNP Finance Department ang pagbabayad ng utang ng mga pulis sa mga lehitimong loan sharks.

Facebook Comments