Manila, Philippines – Hiniling ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao sa Kamara na imbestigahan ang umanoy paglalagay ng formalin sa mga angkat na galunggong.
Giit ni Casilao, dapat na pag-aralan ng Kongreso kung may magagawang batas laban aa ganitong gawain na delikado sa kalusugan ng mga mamimiling Pilipino.
Nais din malaman ng mambabatas kung papaano nare-regulate ng gobyerno ang pangingisda dahil maaaring ang kahinaan nito ang dahilan ng paghina ng huli ng mga mangingisda.
Base sa tala ng Philippine Statistics Authority, bumaba sa 4.36 million metric tons ang fisheries production na mas mababa sa 4.65 million metric tons noong 2015 at 4.69 million metric tons noong 2014.
Sa unang bahagi ng 2017, ang fisheries output ay bumaba pa sa 2.13 million metric tons kumpara noong kaparehong period ng 2016.
Samantala, sa galunggong lamang pinakamalaking ibinaba ang huli nito na umabot ng 19.4%.