Manila, Philippines – Sa gitna ng isinasagawang dry run para sa high occupancy vehicle policy ng MMDA, pinayuhan ng Grab Philippines ang mga driver nito na iwasang magsakay at magbaba sa kahabaan ng EDSA.
Ito ay para makaiwas din sa violation ang kanilang mga driver.
Sa inilabas na abiso ng Grab, pinayuhan nito ang mga driver na iwasan ang EDSA tuwing rush hour o alas 7:00 hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 6:00 hanggang alas 9:00 ng gabi.
Nabatid na isang linggong gagawin ng mmda ang dry run bago magpatupad ng apprehension o panghuhuli sa mga lalabag na motorista sa august 23.
Maliban sa HOV policy, sinimulan na rin ng mmda ang pagbabawal sa mga provincial bus na dumaan sa EDSA tuwing rush hour.
Facebook Comments