Magpapatuloy ang paghahatid ng supplies sa mga sundalong Pilipino na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Bagama’t hindi na idinetalye, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., na naging matagumpay ang pinakahuling resupply mission sa mga sundalo.
Marami aniyang options na ginagawa ang Sandatahang Lakas para maihatid ang mga supplies na kailangan ng mga tropa na nasa poste sa BRP Sierra Madre.
Wala rin aniyang nangyaring agawan sa ating mga supplies hindi tulad nuong nangyaring airdrop mission noong May 19.
Kasunod nito, muling tiniyak ni Brawner sa mamamayan na patuloy na pprotektahan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang ating teritoryo at ang ating soberenya.
Facebook Comments