Naniniwala ang lokal na pamahalaan ng Rodriguez, Rizal na malaking tulong ang pagpapasinaya sa kauna-unahang ospital sa Lalawigan ng Rizal.
Ayon kay Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles, ang bagong ospital ay bagong pag-asa ng mamamayan lalo na sa panahon ng krisis pangkalusugan.
Aniya, ang Northern Tagalog Regional Hospital ay simbolo ng pagbabago at pag-asa sa panahon ng pandemya.
Paliwanag naman ni Department of Health (DOH)-Calabarzon Regional Director Dr. Eduardo Janairo, ang nasabing ospital ay tinaguriang Level 2 National Hospital sa ilalim mg DOH at may 200 bed capacity at may mga doktor at nurse na may ibat ibang pinagdalubhasaan.
Ito rin ay may malawak na pasilidad at Intensive Care Unit, Nenonatal Intensive Care Unit at High Risk Pregnancy Unit na mga basic requirements ng isang Level 1 Hospital.