Manila, Philippines – Nanumpa na kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Serreno ang pinakabagong miyembro ng Korte Suprema na si Associate Justice Andres Reyes.
Si Reyes, ang ikatlong appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kataas-Taasang Hukuman.
Itinalaga si Associate Justice Reyes kasunod na rin ng pagreretiro ni SC Associate Justice Bienvenido Reyes noong July 6.
Si Reyes ang ika-177 Associate Justice ng SC.
Bago maitalaga bilang Presiding Justice ng Court of Appeals noong 1999, nagsilbi muna itong hukom sa Metropolitan Trial Court, Branch 61 ng Makati nuong 1987 at Judge ng Regional Trial Court, Branch 75 sa San Mateo, Rizal.
Facebook Comments