Pinakabagong SM, Magbubukas sa Tuguegarao

Tuguegarao City, Cagayan – Nakatakdang magbukas ang ika 65 na SM Mall sa Tuguegarao City Cagayan ngayong Oktubre 12, 2017.

Sa impormasyon na nakuha ng RMN Cauayan News Team mula kay Ms Princess Lou S. Lauigan, ang Public Relations Officer ng SM Center Tuguegarao Downtown, ang kauna unahang SM sa Cagayan ay magiging kabansag ng lokasyon ng Tuguegarao City bilang regional center ng Cagayan Valley at Primary Growth Center sa rehiyon.

Ang Tuguegarao din ang siyang daanan patungo ng mga lalawigan ng Northern Cordillera Region.


Bukod pa dito ay taglay din ng Cagayan ang mga atraksiyon ng mga nakakamanghang kapatagan at kabundukan, mga kuweba, ang Cagayan River, mga museu at mga daan-daang taon na mga simbahan.

Ang SM Center Tuguegarao Downtown ay stratehikong nakatayo ng 16,000 metro kuwadrado na lokasyon sa Luna corner Mabini Street sa mismong sentro ng lunsod.

Sa kabuuan ay meron etong espasyo na 33,000 kuwadrado metro at may nakaabang na 345 na parkling slot para sa mga customer.

Ibinida din ng SM Center Tuguegarao Downtown ang kanilang mga solar panels para sa sustainability at green energy contribution ng naturang mall.

Ang SM Tuguegarao ay pangalawang sangay ng SM na tumayo sa Rehiyon Dos pagkatapos ng SM Cauayan sa lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments