PINAKABATA | John Marvin Miciano, pormal na tinanghal na pinakabatang International Master ng Chess ng bansa

40

Manila, Philippines – Pormal nang tinanghal na pinakabatang International Master ng Chess sa bansa si John Marvin Miciano.

Ito ay matapos ibigay kay Miciano ng FIDE o ang World Chess Federation ng chess ang titulo nito bilang International Master.

Si Miciano ang pinakabago at pinakabatang IM na bansa sa edad na 17 anyos.

Matatandaang tinanghal na kampeon si Miciano ng Under-19 Asian Chess Championships na ginanap sa Thailand kamakailan para makuha ang awtomatikong titulo bilang International Master.

Facebook Comments