Pinakabatang COVID-19 survivor sa Pinas, pumanaw dahil sa sepsis

674
FILE PHOTO FROM DEPARTMENT OF HEALTH

Pumanaw na ang bagong silang na sanggol na gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa isang ulat, sinabi ni Ronnel Mijares na sepsis ang ikinamatay ng kaniyang anak na si Baby Kobe.


“Nakausap ko ‘yung doktor kagabi at sabi tutubuhan na siya. Pagkatapos, sinabi wala na,” pahayag ng naulilang ama.

Ibinalik sa National Children’s Hospital sa Quezon City si Baby Kobe noong nakaraang buwan para sa isang operasyon dulot ng constipation.

Bumuti naman daw ang kalagayan ng munting anghel pero muling nakaranas ng constipation. Bigla itong kinombulsyon habang nasa pagamutan hanggang sa tuluyang bawian ng buhay.

“Lumalaki ang tiyan. Pag nakakakain sya hindi nya masyadong nailalabas, naidudumi,” aayon pa kay Manjares.

Nagpositibo sa COVID-19 si Baby Kobe noong siya ay limang araw pa lamang at nakarekober makalipas ang 16 araw.




Nawalan ng trabaho si Ronnel simula nang maipatupad ang community quarantine sa buong Metro Manila kaya problemado ito ngayon sa pagpapalibing sa supling.

Sa mga nais magbigay ng tulong, maaring kontakin ang numerong (0951) 999-2328.

Facebook Comments