Manila, Philippines – Iprinoklama ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Emilio Aguinaldo Day ang Marso 22, 2019 para sa paggunita sa 150th na kaarawan ng una at pinakabatang presidente ng Pilipinas.
Layon ng Proclamation no. 621 na nilagdaan ng Pangulo na buksan muli ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasaysayan ng Pilipinas.
Inaatasan naman sa nasabing proklamasyon ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na pangunahan ang paghahanda para sa selebrasyon ng kaarawan ni Aguinaldo sa susunod na taon.
Ipinanganak si Aguinaldo noong Marso 22, 1869 sa Kawit, Cavite at namatay ito noong Pebrero 6, 1964.
Facebook Comments