Pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal, hindi pasok sa pandaigdigang depinisyon ng ‘armed attack’ ayon kay Año

Courtesy: AFP

Para kay National Security Adviser Eduardo Año, hindi maituturing na armadong pag-atake ang ginawa ng China sa mga sundalo ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Año na hindi ito pasok sa international definition ng armed attack, gayundin sa United Nation’s Charter at Mutual Defense Treaty.

Pero binigyang diin ng kalihim na maraming nilabag na international at domestic laws ang People’s Republic of China.


Kabilang anya dito ang paggamit ng illegal force, paglabag sa Convention on Collision at Sea, at SOLAS o International Convention for the Safety of Life at Sea..

Gayundin ang Declaration of Conduct kung saan dapat ang lahat ng member states ay magpapairal ng self-restraint at paggamit ng mapayapang paraan sa pag-ayos ng gusot.

Facebook Comments