Pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal, pinaiimbestigahan ng Senado

Pinaiimbestigahan ni Senator Imee Marcos ang nangyaring insidente sa Ayungin Shoal na nagresulta sa pagkasugat ng ilang sundalo at pagkaputol ng daliri ng isang tauhan ng Philippine Navy.

Sa Senate Resolution 1055 na inihain ni Marcos, binibigyang direktiba nito ang angkop na komite sa Senado para siyasatin ang panibagong pangha-harass ng China Coast Guard sa ating mga sundalo na nagsasagawa lamang ng rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Bukod kasi sa pisikalang ginawa ng China, binutas ng mga tauhan ng CCG at hinila palayo sa Ayungin Shoal ang rigid hall inflatable boat (RHIB) lulan ang mga navy personnel at may pinagkukumpiska pang armas.


Tinukoy sa resolusyon na seryosong escalation na ang pagiging agresibo ng China sa Pilipinas dahil ito ang unang pagkakataon na sumampa sa military boats ng bansa ang mga Chinese personnel, nangumpiska ng mga armas at pisikal na sinaktan o sinugatan ang ating sundalo.

Sinabi ni Marcos na kailangang busisiin ang insidenteng ito para matukoy ang mga hakbang na maaaring gawin ng gobyerno para protektahan ang mga sundalo sa gitna ng rore mission at ang epektibo at ligtas na paraan ng paggiit sa ating sovereign rights.

Facebook Comments