PINAKAKASUHAN | Justice Martires, inirekomendang kasuhan ang mga nagpabagal sa pagbibigay ng retirement at pension benefits ng mga SC justices, judges at surviving spouses

Manila, Philippines – Inirekomenda ni Associate Justice Samuel Martires na kasuhan ang mga empleyado at ang nasa likod ng mabagal na pagbibigay ng retirement at pension benefits ng mga Supreme Court (SC) justices, judges at surviving spouses.

Sa ikawalong pagdinig sa probable cause ng impeachment ni SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno, iginiit ni Martires na inaksyunan naman nila agad sa kanyang ginawang desisyon na ibigay ang pensyon at mga benepisyo ng mga surviving spouses ng mga nasawing justices at judges ng Korte Suprema.

Pinagbatayan umano ng kanyang pinonenteng desisyon ang RA 9946 kung saan ibibigay ang pensyon ng mga justices at judges at benepisyo sa mga surviving spouses kaakibat ang compliance sa 15 years of service sa Supreme Court.


Sa halip na aksyunan ay bumuo si CJ Sereno ng special committee at sa ilalim nito ay dalawang Technical Working Group (TWG) na tutulong sa gagawing pag-aaral sa retirements at benefits.

Aniya, dapat na sampahan ng administrative case ang mga nasa likod ng pagpapabagal ng pagbibigay ng benepisyo sa mga justices at mga naiwang asawa.

Pero, hinarang naman ni Justice Chairman Rey Umali ang suhestyon ni Martires dahil ang focus lamang dapat ng komite ay impeachment lamang ni Sereno at sa ibang venue na dapat pagusapan ang ibang mga indibidwal na nasasangkot sa mga iregularidad sa Korte Suprema.

Facebook Comments