Naitala ang pinakamataas na congestion rate sa mga piitan ng mga kalalakihan sa National Capital Region (NCR).
Batay sa Justice Sector Coordinating Council (JSCC) Project Jail Decongestion, umaabot na sa 1,330% ang congestion rate sa mga male dormitory sa Metro Manila.
Overcrowded na rin ang 70% ng pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP).
Nasa 11% ng kabuuang populasyon ng kulungan ng BJMP ay mga kababaihan.
Sa kabuuan ay mayroong 199,079 na Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang bansa at nasa 386% na ang congestion rate sa mga piitan.
Sa naturang bilang, 69.51% ng mga PDL ay nasa preventive detention pa lamang habang 30.49% dito ay mga nahatulan at nasentensiyahan na.
Facebook Comments