Pinakamababang 7-day average ng COVID-19 cases sa bansa mula noong Agosto, naitala ng OCTA

Nakapagtala ang OCTA Research Team ng 10,452 na seven-day average ng COVID-19 cases na pinakamababa mula noong umpisa ng Agosto.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, 29% itong pagbaba mula noong August 6 hanggang 12, na panahong isinailalim muli sa Enhanced Community Quarantine ang ilang lugar sa bansa kabilang ang Metro Manila.

Bukod dito, bumaba na rin sa 0.70 ang reproduction number o ang bilis ng hawaan ng COVID-19 sa bansa mula sa 0.96 na naitala noong September 29.


Pero ayon kay David, ilang lugar sa Northern Luzon at Western Mindanao ang nakikitaan pa rin ng surge ng Delta variant.

Facebook Comments