Naitala sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakamababang bilang ng trabahong nalikha sa loob ng nagdaang anim na Administrasyon.
Ito ay batay sa pag aaral na isinagawa ng Ibon Foundation.
Ayon kay Ibon Foundation Research Head Rosario Guzman, isa sa mga kakulangan ng Administrasyon para makalikha ng trabaho ay ang hindi pagtutok sa sektor ng manufacturing o paggawa ng produkto.
Ibig sabihin aniya, hindi rin epektibo ang ‘Build, Build, Build’ program ng pamahalaan para makalikha ng maraming trabaho.
Facebook Comments