Pinakamababang COVID-19 reproduction number sa NCR simula Mayo, naitala ng OCTA

33

Bumulusok pa sa 0.55 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ito na ang pinakamababang antas na naitala ng OCTA Research group simula noong Mayo kung saan nakapagtala ng 0.56.

Umaasa naman si OCTA fellow Dr. Guido David na mananatiling mababa sa 0.6 ang reproduction number sa rehiyon hanggang matapos ang taon.


Samantala, bumaba rin sa 1,411 mula sa dating 1,448 ang 7-day average ng COVID-19 cases sa NCR.

Sa ngayon, umabot na sa 2, 727, 286 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong bansa pero 68,832 na lamang dito ang nananatiling aktibo.

Facebook Comments