Pinakamababang halaga ng piso kontra dolyar sa nakalipas na 18 taon, naitala ngayong araw; palitan ng piso kontra dolyar, nagsara sa P56.90

Naitala ngayong araw ang pinakamababang palitan ng piso kontra dolyar.

Base sa foreign exchange summary ng Bank Association of the Philippines (BAP), nagsara sa P56.90 ang halaga ng piso kada isang US dollar.

Ito na ang pinakamababang halaga ng piso kontra dolyar sa nakalipas na 18 taon, matapos malagpasan ang dating naitalang record-low na P56.45 noong October 14, 2004.


Ayon kay ING Bank Manila Senior Economist Nicholas Mapa, maiuugnay ang paghina ng piso sa paglobo ng trade deficit dahil sa pagtaas ng importasyon kasama ang financial outflows na humihila sa currency ng bansa.

Facebook Comments