Naitala sa Ilocos Region ang pinakamababang average annual inflation rate na 2.1 percent sa buong bansa noong 2024 ayon sa Philippine Statistics Authority.
Batay sa datos ng PSA Regional Office 1, makikita umano ang pagbaba ng inflation rate sa rehiyon sa pagbaba ng presyo ng ilang bilihin noong Nobyembre hanggang Disyembre tulad na lamang sa Alcoholic beverages and tobacco: 3.0 percent; Clothing and footwear: 4.4 percent; Furnishings, household equipment, and routine maintenance: 3.0 percent; Health: 1.8 percent; Restaurants and accommodation services: 0.8 percent; and Personal care and miscellaneous goods and services: 4.3 percent.
Sa naturang average inflation rate noong Disyembre, 5.1 percent ang inflation rate sa Ilocos Sur ; 2.8 percent sa Pangasinan ; 2.4 percent sa La Union ; at 2.1 percent sa Ilocos Norte.
Kaugnay nito, positibo ang tanggapan na maabot ang economic stability katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments