Nakapagtala ng 168 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.
Mas mababa ito kumpara sa 263 na kaso kahapon at pinakamababa simula noong buwan ng Mayo ng 2020.
Dahil dito, umabot na sa 2,837,719 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 9,384 ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 372 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,777,541 na ang recoveries.
Samantala, sumampa na sa 50,794 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 10 ngayong araw.
Apat na labortoryo ang hindi operational noong December 19 at 20 na laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.
Facebook Comments