Pinakamababang lebel ng tubig sa La Mesa Dam, naitala

Naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamababang lebel ng tubig ng mahigit isang dekada sa La Mesa Dam, kahapon.

Base sa datos ng PAGASA – aabot sa 69.16 meters ang water level sa dam, na pinakamababang antas ng tubig sa loob ng 12 taon.

Posibleng sa susunod na dalawang araw pa bago ito umabot sa 69 meters critical water level.


Nasa 1.7 bilyong litro ng tubig ang demand ngayon ng mga consumers ng Manila Water sa Metro Manila kaya mabilis ang pagbaba ng tubig, dagdagan pa ang walang nararanasang pag-ulan.

Facebook Comments