Manila, Philippines – Napabilang ang Pilipinas sa mga may pinakamababang ranggong bansa pagdating sa kapayapaan.
Base sa Institute of Economics and Peace’s Global Peace Index (GPI), nasa ika-138 pwesto ang Pilipinas mula sa 163 bansa sa buong mundo na may score na 2.512.
Nakuha ng Pilipinas ang 3 out 5 score pagdating sa criminality, homicide, access to weapons, internal conflict, violent crime, policital terror at terrorism impact.
Nag-ugat ito sa patuloy na kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga at ang nangyaring Marawi siege.
Bukod sa Pilipinas, ang China, Thailand, Myanmar at North Korea ang least peaceful countries sa Asia-Pacific region.
Ang bansang Iceland ang pinakamapayapang bansa habang ang Syria naman ang hindi pinakamapayapang bansa sa buong mundo.