PINAKAMAGALING | Luka Modric, tinanghal na Ballon d’Or World Player of the Year

Tinanghal na pinakamagaling na footballer ng mundo ang Croatian international na si Luka Modric.

Siya kasi ang napiling nagwagi ng Ballon d’Or ngayong taon matapos dalhin ang Real Madrid sa paghari sa Champions League.

Malaki rin ang nagawa nito para makapasok sa World Cup Finals ang Croatia.


Dahil sa panalo natapos din ang pamamayagpag nina Cristiano Ronaldo ng Juventus at Lionel Messi ng Barcelona sa prestihiyosong award.

Limang beses tinanghal na Ballon d’Or winner sina Ronaldo at Messi sa huling sampung.

Samantala, tinanghal naman na kauna-unahang babaeng Ballon d’Or winner si Ada Hegeberg ng Norway.

Facebook Comments