Manila, Philippines – Mabagal ang pag-usad ng operasyon ng Grab sa Pilipinas sa timog-silangang Asya.
Ito ang iginiit ng Grab Philippines kasunod ng hindi pagkakasundo nito sa gobyerno matapos silang patawan ng 10 million pesos na multa at pagbabawal na dagdagan ang kanilang partner drivers.
Ayon kay Grab Philippine Country Head Brian Cu, nahihirapan silang umusad dahil sa ‘overregulation’ ng gobyerno sa kanilang kumpanya.
Nabatid na itinakda lamang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa 65,000 units ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) ang papayagang bumiyahe sa Metro Manila.
Sinuspinde rin ng LTFRB ang dalawang piso na kada minutong singil sa bawat biyahe ng Grab dahil ‘overcharging’ ito sa mga pasahero.
Facebook Comments