Pinakamahinang performance ng piso sa loob ng isang buwan, naitala kahapon; Halaga ng piso kontra, bumalik sa 56 pesos

Muli nanlambot ang Philippine Peso laban sa katapat nitong US Dollar sa ika-pitong magkakasunod na trading day kahapon.

Ito ay matapos bumalik sa 56 pesos ang halaga ang piso kontra dolyar na siyang pinakamahina sa loob ng isang buwan.

Humina kasi ng 28 centimo ang halaga ng piso kahapon sa 56.21 pesos kumpara sa halaga nitong Biyernes na 55.93 pesos.


Ayon sa ilang ekonomista, ang paghina ng halaga ng piso ay bunsod ng pagpapahiwatig ni St. Louis Federal Reserve President James Bullard ng karagdagang pagtaas ng 75-basis points sa kanilang interest rate upang labanan ang inflation sa Amerika.

Samantala, sa Pilipinas ay una nang nagpatupad ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng dagdag na 50 basis points sa key policy rates nito.

Facebook Comments