Itinuturing na pinakamainit sa loob ng higit isang siglo ang June 2019.
Ito ang lumabas sa global climate report ng US National Oceanic and Atmospheric Administration.
Base sa report, ang average global temperature ay tumaas ng 1.71 degrees Fahrenheit sa 20th Century average na 59.9 degrees Fahrenheit o 15.5 degrees Celsius.
Ang Europe, Asia at Africa, maging ang Hawaii at US Gulf of Mexico Regions ay nakaranas ng matinding init ng panahon nitong Hunyo.
Facebook Comments