Manila, Philippines – Pasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo.
Batay sa Forbes 2018 list mula sa 75 indibidwal na kinabibilangan ng mga world leaders, businessmen, monetary authorities at investment bankers, si Pangulong Duterte ay 69th Most Powerful Person.
Binanggit din ng Forbes ang ‘war on drugs’ na idineklara ni Duterte noong 2016.
Kinilala rin ang punong ehekutibo sa katapangan nito na ilunsad ang kampanya laban sa mga drug dealers at iba pang kriminal.
Maging ang mga maaanghang na salita ng Pangulo ay nakasaad din kabilang ang pagmura nito kay dating US President Barrack Obama.
Sa kauna-unahang pagkakataon, si Chinese President Xi Jinping ang nanguna sa listahan kung saan pinataob nito si Russian President Vladimir Putin na apat na taong nanatili sa unang pwesto.
Nasa ikatlong pwesto si US President Donald Trump habang nasa 4th place si German Chancellor Angel Merkel na world’s most powerful woman.