Manila, Philippines – Inaasahang dadaan sa planet Earth ang tinaguriang pinakamalaking asteroid ng siglo sa September 1.
Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), dadaan ito sa Earth sa lapit na 4.4 million miles.
Taong 1981 pa nang madiskubre ang asteroid na tinawag na Florence.
Ipinangalan ito kay Florence Nightingale, ang founder ng modern nursing noong 19th century.
Katumbas daw ng 30 pinagsama-samang Egyptian pyramid ang laki nito!
Tiwala naman ang mga eksperto na hindi ito magdudulot ng pinsala gaya ng mga naunang asteroid na tumama at dumaan sa Earth.
Facebook Comments