Nakatakdang idaos sa bansa ang biggest o pinaka malaking Filipino and American joint military exercise sa darating na Abril.
Ayon kay Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., isa sa mga pagdarausan ng exercise ay sa Palawan na malapit sa West Philippine Sea (WPS) kung saan ang ilan sa bahagi nito ay pilit na inaangkin ng China kahit pa may inilabas ng arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas nuong 2016.
Sinabi ni Brawner na mas maraming component ang training exercise ngayong taon kung saan kasama dito ang maritime and territorial defense gayundin ang combat and non-combat components tulad ng counter-terrorism and humanitarian assistance and disaster response.
Paliwanag pa ni Brawner, mas maraming sundalong Amerikano ang lalahok sa Balikatan Exercises 2023.
Bagama’t hindi na nito idinetalye pa ang ispesipikong bilang, pero mas madami ito sa mga nakaraang exercises kung saan sa nagdaang Balikatan Exercise ay kalahok ang 9,000 Philippine and US troops, 50 aircraft, 4 na mga barko at 10 amphibious craft.
Giit pa ni Brawner, ang idaraos na Balikatan Exercise sa Abril ay ika-38 pagsasanay na kasama ang mga sundalong Amerikano.