Ipinadala na ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Kalayaan Island Group ang pinakamalaki nitong maritime asset na BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701).
Ito ay bahagi ng pagpapalakas sa maritime activities ng PCG sa West Philippine Sea.
Tugon din ito sa direktiba ng Pangulong Bongbong Marcos na palakasin ang presensya ng PCG sa naturang lugar.
Pinapayuhan naman ang mga mangingisdang Pilipino sa lugar na magradyo lamang sa PCG o sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kapag kailangan nila ng tulong.
Ang hakbang ng PCG ay bilang paghahanda rin sa inaasahang pagdagsa ng mga mangingisdang Pinoy sa summer season.
Facebook Comments