Dumating sa Pilipinas ang isang Italian Navy Ship noong July 8, para magsagawa ng isang goodwill visit.
Ito ang Francesco Morisini na pinakamalaki at pinamodernong barkong pandigma ng Italian Navy.
Ayon kay Giovanni Monno, commanding officer ng naturang naval vessel, ang pagbisita ng barko sa Pilipinas ay parte ng limang buwang naval campaign nito sa Indo Pacific Region na layong maisulong ang “peace stability” sa rehiyon.
Pagpapakita rin ito ng matibay na kooperasyon ng Pilipinas at Italy sa pagpapalakas ng naval diplomacy at pagrespeto sa international law sa Indo Pacific.
Binisita naman ni Italian Ambassador to the Philippines Marco Clemente ang mga tauhan ng Morisini para sa port call, sa Manila South Harbor Port.
Kasalukuyang nakadaong ngayon ang Francesco Morisini sa Port of Manila, na tatagal hanggang bukas, July 11.