Pinakamalaking beach party sa Mindanao, kinansela matapos magdeklara ng martial law si Pangulong Duterte

Sarangani Province – Kinansela na ng lokal na gobyerno ng Sarangani Province ang selebrasyon ng Sarangani Bay Festival 2017.

Ito ay matapos magdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes ng gabi.

Sinabi ni Sarangani Governor Steve Chiongbian Solon na ang pagkansela ng selebrasyon na gaganapin sana ngayong Mayo 25 hanggang sa petsa 27 ay bilang pagsuporta na rin sa pagdeklara ng martial law ni Pangulong Duterte at pagpapakita ng simpatya sa naging apektado sa karahasan sa Marawi City matapos silang pinasok ng Maute Group.


Dagdag pa ng gobernador na hindi nila maatim na sila ay magcelebrate habang mayroong mga pamilyang naghihirap ngayon dahil narin sa karahasan.

Aniya na posibling sa susunod na taon nalang nila itutuloy ang Sarbay Fest na kanilang siniguro na mas bongga at mas kaabang-abang ang nasabing selebrasyon.
DZXL558, Rose sioco

Facebook Comments