
akapagtala ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) ng pinakamalaking bilang ng mga pasahero sa NAIA terminals nitong Sabado, December 20.
Sa tala ng NNIC, umabot sa 171,306 pasahero ang dumaan sa NAIA nitong Sabado.
Ito ang pinakamataas na bilang ng volume na naitala sa NAIA sa kasaysayan ng paliparan.
Tiniyak naman ng NNIC na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan na nag-ooperate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para mapabilis ang pagproseso sa mga pasahero.
Tinututukan din ng NNIC airside operations teams ang pagsasaayos sa aircraft movements at gate utilization sa harap ng mga sunud-sunod na paglapag at pag-take off ng mga eroplano.
Facebook Comments









