Panghimagas – Isang 83-anyos na lalaki ang nakaisip nang paraan sakaling dumating daw ang doomsday o kaya ang World War III.
Mismong si Bruce Beach ang siyang nagtayo ng pinamalaking private doomsday bunker sa buong mundo na matatagpuan sa ilalim ng horning mills sa Toronto.
Ang kilalang famous shelter ni Beach na “The Ark Two” ay nasa 10,000 square feet ang sukat na gawa sa 42 lumang mga school buses kung saan kaya daw nitong i-accommodate ang nasa 500 katao sa loob ng pito hanggang sampung buwan depende sa supply ng pagkain na kaniyang inipon.
Nabatid na inabot ng 30 taon si beach para lamang matapos ang kaniyang proyekto na mayroong private well, generators at nagtayo din siya ng daycare sa loob nito.
Kahit na marami ang nag-iisip na baliw si Beach, ilan naman sa mga ito ay kaniyang ipinapasyal sa bunker basta’t ayusin lang daw ang schedule upang hindi siya magahol sa oras.
Pinakamalaking doomsday bunker sa buong mundo, itinayo sa Toronto, Canada
Facebook Comments