Pinakamalaking jail facility sa buong bansa, itinayo sa Quezon City

Nagsimula na ang turn-over ceremony sa bagong city jail sa lungsod ng Quezon.

Ito ay pinangunahan ng alkalde ng lungsod at ni Jail Warden Joint Specialized Undergraduate Pilot Training JSupt. Michelle Bonto.

Ang bagong jail facility ay mas malaki at mas moderno ang disenyo kumpara sa dati na nasa Brgy. Kamuning Quezon City.


Ito ay may 5 storey house accommodation na may 3 building kung saan mayroong 440 na selda.

Ayon kay Jail Warden JSupt. Bonto nasa 3,191 square meter lang ang dating Quezon City Jail sa Kamuning habang nasa 240,000 square meters naman ang bagong Quezon Jail na itinayo sa Payatas.

Nabatid na matagal ng problema ang usapin sa siksikan sa mga kulungan.

Imbis na 100% ang kapasidad umaabot pa ito sa 800%.

Ibig sabihin yung pwesto na para sa isang preso ay ginagamit ng 8 preso.

Sinabi ni Jail Warden JSupt. Bonto nasolusyonan na ang problema sa punuan na kulungan sa QC.

Nagpapasalamat siya sa local na pamahalaan ng Quezon City dahil binigyan sila ng ispasyo para maitayo ang bagong kulungan.

Pinondohan ng ₱139 milyon ang bagong Quezon City Jail at ito ay magagamit na sa loob ng isa’t kalahating taon.

Paliwanag ni Bonto, bagama’t tapos na ang pasilidad maglalagay pa sila ng bakod para tiyak ang seguridad sa kanilang pasilidad.

Facebook Comments