PINAKAMALAKING PAARALAN SA REGION 1, NAGSIMULA NA SA FACE-TO-FACE CLASSES

Sinimulan noong, ika-25 ng Abril ang progressive expansion ng limited face-to-face classes sa Mangaldan National High School (MNHS), ang pinakamalaki at pinakamalawak na mataas na paaralan sa Region 1, para sa mga nasa Grade 7 hanggang Grade 12.
Ang paaralan ay mayroong 8, 000 estudyante kung saan tanging 30% lamang ang sasailalim sa face-to-face ayon kay Dr. Leo Blaquir ang principal ng paaralan.
Requirement rin ng estudyante sa pagpasok ang pinirmahang parental consent ng mga magulang.

Base naman sa DepEd-DOH Joint Memorandum Circular No. 001, series of 2022, bagamat hinihikayat na dapat bakunado ang mga estudyanteng sasabak sa limited face-to-face classes, maaari pa ring lumahok ang hindi bakunadong mga high school students.
Siniguro naman ng pamunuan ng MNHS na pananatilihin pa rin ang minimum public health standard sa loob ng mga classroom upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante at mga guro sa COVID-19.
Nakalatag na rin ang health protocols at contingency plan ng paaralan sakaling may magkasakit o makaramdam ng COVID-19 symptoms. | ifmnews
Facebook Comments