Pinakamalaking pagsasama-sama ng emoji faces mula sa iba’t-ibang lugar, pasok sa Guinness World Record

38

Panghimagas – Sabay-sabay na ipinagdiwang ng 531 fans ng bagong movie na ‘The Emoji Faces’ ang world emoji day kahapon sa Dubai, Moscow, London, Dublin at Sao Paulo, Brazil na siyang dahilan ng pagkapasok nito sa Guinness world records.

Nagkaisa ang mga fans na magsuot ng mga kilalang emoticons na ginagamit ngayon sa social media.

May ilan namang hindi mapigilan ang excitement sa bagong movie at nagsuot pa ng costume ng mga characters nina Gene, Hi-5, Poop Daddy, Pizza at Heart.

Ang pelikula naman na “The Emoji Faces” ay ipapalabas naman sa Pilipinas sa darating na Agosto.

Facebook Comments