Pinakamalaking pumping station sa NCR, napuno ng mga basura

Napuno ng tumpok ng mga basura ang pinakamalaking pumping station sa National Capital Region (NCR) dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong Jolina.

Ayon kay Allan Tubao, isang plant engineer, bumaba na sa 80% ang kakayahan ng pumping stations sa pagbomba ng tubig dahil sa dami ng basura.

Dahil dito, mabilis na tumataas ang tubig sa Metro Manila.


Dahil sa bagyo, nasira rin ang trash rake ng Tripa de Gallina kung saan kailangan pang sumisid sa tubig ng special team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang maayos ito.

Sa ngayon, umabot na sa 67 toneladang basura ang nakuha sa pumping station.

Facebook Comments