Inanunsyo ng Philippine Ports Authority ang pagbubukas ng pinakamalaking seaport Passenger Terminal Building (PTB) sa bansa ngayong buwan.
Pahayag ni PPA General Manager Jay Santiago, bubuksan ang terminal sa darating na Hulyo 15 sa Port of Cagayan de Oro.
Ang dalawang palapag na gusali ay may lawak na 5,597 square meters at mapagsisilbihan ang mahigit na 3,000 pasahero. Mayroon 1,176 seating capacity sa unang palapag habang 1,221 naman sa ikalawang palapag.
Ani Santiago, inaasahang tataas ang turismo at ekonomiya ng lungsod at buong Hilagang Mindanao dahil dadagsa ang mga bakasyunista mula sa karagting lugar.
Ilan sa mga pasilidad ng CDO Port PTB ay security checkpoints and cameras, x-ray scanners para sa mga bagahe, passenger boarding station, body scanners, help desks, designated green areas, playing area sa mga bata, at child care station.