Pinakamalaking supplier ng party drugs sa NCR, patay sa buy-bust sa Maynila

Manila, Philippines – Nauwi sa engkwentro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang condominium building sa Sta. Cruz, Maynila.

Patay ang negosyanteng kinilalang si Steve John Pasion.

Ayon kay PDEA-NCR Director Joel Plaza, si Pasion ang pinakamalaking supplier ng ecstasy sa Metro Manila.


Target umano ng suspek ay mga estudyante at mga modelo.

Sa buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba sa parking area ng condo building, nakaramdam umano si Pasion na mga awtoridad pala ang kanyang katransaksyon.

Bumunot umano ito ng baril at nagtangka pang mang-agaw ng armas ng isang pulis kaya at napatay sa operasyon.

Sa bisa ng search warrant ng pulisya, narekober ang nasa P300,000 halaga ng shabu at ecstasy sa sasakyan ni Pasion.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang suspek ngunit idineklara ring dead on arrival.

Samantala, arestado rin ang ka-live in partner ni Pasion na hindi nagbigay ng pahayag.

Facebook Comments