Pinakamalalim at pinakamalinaw na litrato ng kalawakan, isinapubliko ng NASA

Inilabas ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang pinakamalalim at pinakamalinaw na infrared image ng distant universe sa ngayon.

Kuha ito mula sa James Webb Space Telescope kung saan kita ang galaxy cluster SMACS 0723 kung saan binubuo ito ng libu-libong galaxy na tinatayang nagpakita 4.6 bilyong taon na ang nakalilipas.

Inaasahang mas maraming datos pa ang ilalabas patungkol sa cluster habang hinahalungkat pa ng mga eksperto ang datos ng Webb Space telescope.


Ang James Webb Telescope ay itinuturing na most powerful telescope na ipinakawala sa outer space na layong magbigay ng impormasyon upang mas maintindihan natin ang pagbuo ng kalawakan.

Facebook Comments