Pinakamalamig na temperatura, naitala ngayon araw sa Basco, Batanes at Baguio City

Naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA Weather Bureau ang pinakamalamig na temperatura na naranasan ng dalawang lugar ngayong taon.

Bumagsak sa 13.0 degree Celsius ang temperatura sa Basco, Batanes at Baguio City kaninang alas-5:00 ng umaga.

Limang lugar sa bansa ang nakaranas kaninang umaga na may malamig na panahon dahil sa pag-iral ng hanging amihan.


13.7 degree Celsius naman ang naitala sa La Trinidad Benguet habang 16.4 degree Celsius sa Calayan, Cagayan habang sa Tuguegarao City ay naranasan ang 18.6 degree Celsius

Ayon pa sa PAGASA-DOST, posibleng abutin pa ng hanggang Pebrero ang malamig na temperatura sa maraming bahagi ng bansa.

Facebook Comments