POKHARA, Nepal – Yumao na ang tinaguriang pinakamaliit na lalaki sa buong mundo dahil sa sakit na pneumonia habang nasa isang pagamutan.
Kinilala ng Guinness World Records (GWR) ang 27-anyos na si Khagendra Thapa Magar bilang “world’s shortest man who could walk” dahil sa taas nitong 67.08cm o (2ft 2.41in.).
Sa ibinahaging post ng GWR sa Instagram account, inanunsyo nito ang isang malungkot na balita kasabay ang litrato ni Magar.
Saad sa post, “We are saddened today to hear of the passing of the world’s shortest man, Khagendra Thapa Magar from Nepal. He was 27 years old.”
Labis ding ikinalungkot ng Editor-in-cheif ng GWR Craig Glenday ang pagpanaw nito.
Aniya, “We’re terribly sad to hear the news from Nepal that Khagendra is no longer with us.”
Samantala, ayon sa kanyang mga kaibigan, nito lamang nang magsimula itong makipaglaban sa sakit sa puso, asthma at pneumonia.
Taong 2010 nang bigyang titulo ng GWR si Magar bilang pinakamaliit na tao habang ipinagdiriwang niya ang kanyang ika-18 kaarawan sa Fewa City Hospital in Pohkara, Nepal.