Sa kabila ng nararanasang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa patuloy na tumitindi ang mainit na panahon.
Ito ay matapos maitala sa 18 monitoring stations sa bansa ang “dangerous level” na heat index o damang init sa katawan.
Kahapon, sumipa sa 50.8°C ang heat index sa Guiuan, Eastern Samar.
Maliban dito, naitala rin ng DOST-PAGASA ang mga matataas na heat index sa mga sumusunod na lugar:
- Ambulong, Batangas (46.2°C)
- Dagupan City, Pangasinan (45.3°C)
- Roxas City, Capiz (45.1°C)
- Sangley Point, Cavite (44.3°C)
- Cuyo, Palawan (43.1°C)
- El Salvador, Misamis Oriental (42.8°C)
- San Jose City, Oriental Mindoro (42.6°C)
- NAIA, Pasay City (42.4°C)
- Dipolog, Zamboanga del Sur (42.3°C)
- Cotabato, Maguindanao (42°C)
- Subic, Zambales (42°C)
- Iba, Zambales (42°C)
- Tuguegarao, Cagayan (41.9°C)
- Alabat, Quezon (41.7°C)
- Casiguran, Aurora (41.2°C)
- Masbate City (41.2°C)
- Daet, Camarines Norte (41°C)
Ang heat index na umaabot sa 41 hanggang 54 degrees Celcius ay delikado para sa tao na magkaroon na ng heat cramps, heat exhaustion at posibleng mauwi sa heat stroke.
Kapag lumagpas ito sa 54°C ang heat index ay “extreme danger” na ito at mataas na ang posibilidad na magkaroon ng heat stroke.
Facebook Comments