Dumating ang pinakamalaking bulto ng COVID-19 Vaccine sa Ilocos Region kaugnay pa rin sa COVID-19 Vaccination Program ng pamahalaan.
Aabot sa 173, 360 na doses ng Sinovac ang ibinaba sa Regional Storage Facility at nakatakdang ipamahagi sa mga implementing units ng rehiyon.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, tagapagsalita ng DOH-CHD1, ito na ang ika-25th batch ng bakuna na dumating at malaking bulto ng bakuna na natanggap ng Region 1.
Sinabi ni Dr. Bobis, malaking hamon ang kakulangan ng suplay ng bakuna sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 Vaccine acceptance ng mga residente dito.
Magpapatuloy naman ang pakikipag-usap ng ahensya sa National Vaccine Operations upang mabigyan ang rehiyon ng bakuna nang maabot ang herd immunity.
Facebook Comments