Pinakamaraming kaso ng COVID-19, naitala ngayong araw; Mga tinamaan ng virus, pumalo na sa 15,588

Nadagdagan ng 539 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, pumalo na sa 15,588 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nakahahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 11,069ang aktibong kaso.


330 o 61% mula sa panibagong kaso ay naitala sa National Capital Region (NCR); 55 o 10% sa Region 7; 99 o 19% mula sa iba pang mga lugar sa bansa habang 55 o 10% ay mula sa mga repatriate.

Nasa 17 naman ang bilang ng mga nasawi kung saan umabot na sa 921 ang COVID-related deaths.

Pumalo naman sa 3,598 ang mga gumaling na matapos madagdagan ng 92 new recoveries.

Samantala, sumampa na sa 2,821 ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng 157 bagong kaso.

Nadagdagan naman ng apat ang bilang ng mga gumaling na umabot na sa 934 habang hindi nadagdagan ang bilang ng nasawi na nananatili sa 334.

Facebook Comments