Manila, Philippines – Tumaas muli ang inflation rate o halaga ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 4.6 percent inflation rate para sa buwan ng Mayo 2018.
Ito na ang maitituring pinakamataas na inflation rate sa nakalipas na 5 taon.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon, mas mababa pa ito kaysa sa naunang naging pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sabi naman ni Budget Secretary Benjamin Diokno, patuloy ang pagbabantay ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga pamilihan para matiyak na nasusunod ang Suggested Retail Prices (SRP).
Facebook Comments