PINAKAMATAAS NA ACCOMPLISHMENT, NAKUHA NG DSWD R02

CAUAYAN CITY- Hindi nagpahuli ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 sa may pinakamataas na accomplishment sa pagbibigay ng social pension sa mga senior citizen sa bansa.

Kinilala ang DSWD Region 2 bilang Best Operations Center mula sa labing-pitong rehiyon sa bansa.

Ikinagagalak naman ito ni Regional Director Lucia Alan dahil bagama’t maraming lugar sa rehiyon ang itinuturing na geographically isolated ay hindi nagpahuli ang ahensya sa pagbibigay pension sa mga mahihirap na senior citizen sa rehiyon.


Watch more balita here: 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗘 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗭𝗨𝗭𝗨, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣

Nakapagtala naman ang ahensya ng 100% disbursement rate sa taong 2022 habang 99.98% naman sa taong 2023.

Samantala, nasa 244,431 na benepisyaryo ng programa ang nasa ilalim ng Social Pension Program sa Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments